Friday, November 19, 2010

AnG KaNdiLa

Pag uwi ni Pablo sa bahay nila , masayang sinabi ng asawang si Toyang,"Sweetheart, delayed ako ng isang buwan. Kagagaling ko lang sa doktor. Pero huwag mong sabihin ito kahit na kanino, baka mapahiya lang ako kapag di nagkatotoo."

Kinaumagahan, may kumatok na kolektor ng taga-Meralco sa pintuan ng bahay nila . Pagbukas sa pinto, sabi ng kolektor, "Ale, delayed ho kayo ng isang buwan."
Nagulat si Toyang, "Kanino mo nalaman
ito?" tanong niya. "Nandito ho nakasulat sa records namin," sagot ng taga-meralco.

Kinabukasan, pinuntahan ni Pablo ang opisina ng Meralco. Galit na tinanong sa receptionist.
"Paano niyo nalaman na delayed ng isang buwan ang misis ko?

"Huminahon po kayo, Mister!", sagot ng receptionist. "Konting pasensya lang. Kung gusto niyong
mawala sa records namin ito, magbayad na lang kayo."

"Eh, kung ayaw kong magbayad?" patigas na sagot ni Pablo."

Puputulan ho kayo," sagot ng receptionist.

"Kung puputulan ako, anong gagamitin ng misis ko?", tanong ni Pablo.

Sagot ng receptionist, "Pwede naman siyang gumamit ng kandila di ba?"

No comments:

Post a Comment